Sa mga pangyayaring tulad ng paglabag sa karapatang pantao, problemang pangkalikasan, panganib sa kalusugan at kaligtasan, at iba pa, kinakailangan ang agaran at mapagkakatiwalaang aksyon. Kung apektado ka ng isang paglabag o may naoobserbahan kang paglabag, bibigyan ka namin ng madaling paraan upang magsampa ng reklamo. Ginagarantiya namin na ang bawat reklamo ay aming iimbestigahan at ituturing na kumpidensyal at walang pagkakakilanlan.
Ano ang kailangan namin sa iyo?
1. Pangalan (kung hindi mo nais na ibigay ang iyong pangalan ay maaari kang magsumite ng walang pangalan; subalit, ito ay maaring maging dahilan upang maging komplikado at mabagal ang proseso ng iyong reklamo)
2. Impormasyon kung paano ka makokontak, halimbawa numero ng telepono, e-mail address o postal address
3. Bansa at lungsod kung saan ka nakatira at, kung naaangkop, ang lugar ng produksyon o iba pang impormasyon para matukoy nang malinaw ang lokasyon
4. Detalyadong paglalarawan kasama ang petsa o oras ng abiso na may kaugnayan sa karapatang pantao, pangkalikasan, kalusugan o kaligtasan. Kung available, malaya kang makakapagsumite ng sumusuportang ebidensya.
5. Impormasyon kung kinakailangang panatilihing protektado at nakatago ang pagkakakilanlan ng taong naghain ng reklamo o iba pang apektadong partido.
Maaaring ipadala rito ang inyong nakasulat na reklamo.
Paano ipinoproseso ang iyong reklamo?
1. Pagkatapos matanggap ang iyong mensahe, kami ay tutugon na natanggap ang iyong reklamo sa loob ng 24 oras.
2. Tutukuyin ng isang DEICHMANN Human Rights Officer ang dahilan ng reklamo at susuriin kung ito ay katanggap-tanggap. Kung ang reklamo ay katanggap-tanggap, isasagawa ang isang detalyadong imbestigasyon at ipapaalam sa taong naghain ng reklamo ang inaasahang tagal ng proseso.
3. Kung kinakailangan ang mas malalim na imbestigasyon, ang DEICHMANN ay magsasagawa ng sarili nitong inspeksyon sa lugar na nakasaad sa reklamo o magtalaga ng tagapagbigay ng serbisyo. Ang lahat ng gastos sa inspeksyon ay sasagutin ng DEICHMANN.
4. Pagkatapos ng imbestigasyon, maaaring maresolba ang reklamo sa mapagkasunduang remedyo ng dalawang partido. Kung hindi posible ang pagkakasundo, mayroong karapatan ang DEICHMANN na gumawa ng desisyon sa magiging kalalabasan ng reklamo pagkatapos ng masusing pagsasaalang-alang ng lahat ng aspeto.
5. Kung ang naging desisyon ng DEICHMANN Group ay magdudulot o dadagdag sa reklamo, agad namin itong gagawan ng paraan upang maagapan o kaya ay pagaanin ang magiging epekto nito at pigilan na ito ay maulit pa kung maaari.